Dibdibin natin ‘to,dahil bitter tayo!
Crying , as they say , is the highest form of prayer. This is your message to the world so by all means, cry. Allow those tears to flow.
The best way to release and let go is to own that pain, let it hurt, let
it bleed, let the universe feel it so the universe can take the burden of that
pain for you.
Sumayaw din habang umiiyak at magfeedback kung ano ang feeling kung gaganun!
These songs are the ones I keep on listening
to during my pag –e-emote days after a breakup, a setback, a fight with any
person, misunderstanding sa mga whomever at yung gusto mong mag beast mode pero
wag na lang ang drama kasi wala namang saysay.
Here it goes:
1.
Nothing - The Script
What makes me like this is yung part na yung
pinuntahan ka na’t lahat ng person para yata makipag –okay sayo ngunit
nagmaldita ka’t wala kang kime at kibo at ikay kever lamang. Di ba, waging-wagi
ka ditey kasi parang ikaw na ngayon ang may hawak ng alas kasi hindi mo
pinansin. What feeling is worse than being given no reaction at all. Nakabalos
ang show!Amanos!
2.
50 Ways to Say Goodbye- Train
This is quite different and funny! Ang tenor kasi nito ay kung baga
hindi mo kayang e –explain lahat ng pangyayari kung bakit nauwi sa hiwalayan
kaya nagbigay ka nalang ng mga walang kwentang rason na so over-the –top and
exaj and hindi naman mangyayari sa real life. The music is upbeat so I like it
so para ‘wag akong malunod sa sadness. Kaloka.
3.
Six Degrees of Separation- The Script
Ito talagang song nato kahit di ka pa nakaranas ng heartbreak ay
talagang ma ha-heartbroken ka dahil kakaawaan mo ang kalagayan ng taong
makakaranas ng 6 degrees of separation. Tagos. Yung susubukan mong lahat ng mga movies, yoga,travel, akyat-bundok sabay mowdelling, tarot at iba pang gems at mga lucky charms para mabalik sa dati. Yung akala mo okay na pero balik ka pa rin sa simula. Yung mangangailangan ka ng closure.
4.
Fight Song- Rachel Platten
Syempre, after mong malunod sa gloominess ng Six Degrees of Separation,
kaylangan mong mag fist pump ulit as if saying sa world na “kaya ko to! Kahit
awang-awa ako sa sarili ko, and this is my way of saying na I can still regain
my power and confidence back from this person who hurt me.” This is my fight
song! Labanan natin sila mga kawal at guardia Sibil!
5.
Apologize- One Republic
Eto yung nagfeeling ka na habol pa rin siya nang
habol sa ýo. Na wala na siyang magagawa kasi the damage has been done. Na hindi
na niya mababawi’t maiibsan ang sakit kahit ano pang gawin niya’t e-pamper ka
kasi naman you have crossed the line. Nag-give up ka na sa kanya. Echosera! Hayaan mo, ang love life, it will surprise
you. Kung gaano mo kayang magbigay ng pagmamahal, dodoblehan at ti-triplihin pa
ni Dawan yung Happiness mo, wait and see.
6.
Someday- Nina
Eto yung , araw-araw kung ni re-repeat. Siyempre, ayokong magmukhang
bitter kaya I will change the lyrics kapag nagsising along ako while it is on
repeat. Mas mabuti kasi ang song nato kasi parang nagla-law of attraction yung dating mo na as if thru this, you are praying na you will be healed and found by the rightful one. Dreaming of Jon Snow, mga ganun.
7.
Someone Like You – Adele
Eto yung , araw-araw
kung ni re-repeat. Siyempre, ayokong magmukhang bitter kaya I will change the
lyrics kapag nagsising along ako while it is on repeat.
Example sa may
chorus: Never mind I’ll find somebody new hooh
I wish nothing
but the best for me too
Oh di ba, di ka
masyaadong negneg, you are hoping for the best ditey.
8.
Say You Won't Let Go- James Arthur
Ito naman yung kantang masyadong obvious. Yung mga high pride. yung mga pa -cool kahit mahal nila. bahala kayo sa buhay niyo. Yung ipinapadama ninyo ay hindi tugma sa pinapakita niyo. At dahil kung ang ibig sabihin nito ay bawal ang pag ibig nato, sana mag let go na lang. Ayoko na sa yo James Arthur. magle0let go talaga ako.
9.
Bleeding Love- Leona Lewis
Ito yung part of loving na gusto na natong sumuko sa pag -ibig kasi para saaa pa di ba? At meron talgang mga tao na ipapakita sa yo na mahal ka nila. ayaw ng lahat na mainlove ka ulit kasi ikaw yung klase na naglalakas tama- ikay nawawala kapag umibig pero go ka pa rin sa pagmamahal.
10.
Just Give Me A Reason - P!nk ft. Nate Ruess
Kasi naman tayong mga babae, nagpre-pretending okay. Magsabi kasi nang totoo. Hindi manghuhula ang mga lalaki. yung mga maliliit mong mga hindi maintindihan, sabihin mo na. kasi darating yung panahon na baka hindi na pwede ma fix kung ano man yang mga problema. sometimes sasabihin nila na it's just in our minds pero it is real, kasi bakit ko kinukwestyon ngayon to. something is wrong somewhere. Huwag mong sabihing we're not broken at bent lang tayo dahil this problem is real. May mga lalaki kasi na hindi bini-big deal yung mga bagay-bagay. parang they don't care. At they dont care nga. Kasi kapag mahal ka, your emotions will not be ignored. He will try to fix things.
11.
Somebody That I Used To Know (feat. Kimbra)- Gotye
Ito naman ay sobrang nice and cute ng tune sa umpisa at hindi mo maintindihan kung bakit ang dami nilang gustong gumamit ng gitara sa video. Isang gitara, isang tao dapat. Bakit ba kasi sinasabay lahat. yung kanata naman pasimple lang naman ang pagsabi na love is sweet sa umpisa at akala mo ay siya na kasi ang saya mo pero may tinatago pa lang topak ang mokong. kung di ka niya mhaal, di na sana siya nagpatumpik-tumpik pa at nakipaghiwalay na lang. Kaya dapat natin siyang resbakan at isauli lahat ng gamit thru someone else at burahin ang number niya't e delete din siya sa buhay natin. di ibig sabihin na pinatawad na ay kaylangan na e-welcome natin sila ulit sa buhay natin. His opinions should no longer affect you kasi wala na nga kayo di ba. Move on. Tapos. Isa na lang siya sa mga taong nakilala mo noon.
12.
Jewel - Foolish Games
Ito yung cool na cool yung lalaki. Sobrang di mo alam kung unrequited ba talaga and one-sided love na ito o sadyang playboy yung tinopak na lalaking to at hinahayaan ka lang niyang mainlove sa misleading gestures niya. Ikaw naman tong si gaga at tanga na patuloy na umiibig kuno eh halatang di ready si boy.
13.
Stay- Rihanna
Ito yung ka love life mo na player din. yung para kang moth na bibihagin kasi inaakit ka ng apoy ng pagmamahal na kayang niyang ibigay. Pero alam mo naman na ang pagmamahal, hindi yan sapilitang kukunin mo mula sa isang tao. Kusa yang ibibigay. Kung ayaw niyang pumusta at sumugal sa pag ibig na yan. Gu-mive up ka na. lang kwentang pagmamahal ang hindi ibibigay ang 100% na kaya niya. Kahit pa kaylangan niyo ang isa't isa dahil pinapasaya niyo ang bawat isa. Nothing says stay more than a nurturing love. yung may mga apprehensions at mga hino-hold back, lagyan ng eks mark.
14.
FourFiveSeconds- Rihanna
Enough is enough, Ãka nga. Binigay mo ang lahat ng kaya mong ibigay kasi nga tunay yung pagmamahal na binibigay mo. Pero may mga tao talagang mga mapagsamantala. Makapagmura nga ng limang libong toro na may kasamang dumi!. Yung sinabi na : cause'all of my kindness is taken for weakness!
15.
Complicated- Rihanna
Okay fine. yung You're not easy to love pa lang niya. Mapapa-shout out ka talaga pagdating ng "Why is everything with you so complicated" . Pagkasi ganitong mga klaseng lalaki na parang hirap ispelingin, eks mark din yan. Suko ka na kasi pag hard to love sila, ay nako. parang di sundo ang zodiac signs niyo te. yung ayaw mag reply sa messages mong pitong libo't isang daan at pitong pulo na.
16.
Jar of Hearts- Christina Perri
Yung ilang pa-ulit ulit ka ng nasasaktan sa parehong tao. At apulit uli kayong nagbi-break at paulit ulit din kayong nagbabalikan. Kahit pa gaano ka hot yan, maghanap ka nalang ng taong mas hot pa. yung may sinat. Kasi para yang cycle of abuse, paulit ulit din yung mahal ka ng super ngayon, magiging sour, mambubugbug, tapos magsisisi, magkakaroon ng madramang pagbabalikan, tapos honeyphase ulit at mahal ka ulit ng super and repeat. Tapusin mo na. May hinanda ang Diyos na mas makakapagpapasaya sayo dahil ipapakita niya kung paano ka dapat mahalin.
17.
I Love You, Goodbye- Nina
Obvious na eks mark na naman yan. Iba yung kaylangan niya. May mga pangangailangan siyang di mo kayang ibigay. Stop na. Gagawin mo 'yan , di para sa 'yo lang, para din sa kanya. Kaawaan mo ang sarili mo. Respetuhin mo at mahalin kasi , maniwala ka sa akin na ang tanging magmamahal sa yo nga sobra, at the same magnitude as your love ay ikaw din. mahirap yan oo, pero isipin mo na kinaya ng iba so bakit naman hindi mo kakayanin. Todo mo na yan! Tiisin mo. masakit lang yan sa umpisa. Masasanay ka rin katulan ng suwero sa IV aka Dextrose in layman's term.
18.
Give Your Heart a Break- Demi Lovato
Kaka-break mo lang te. Huwag kang atat! Eto naman, parang sinasabi din na pwede ng magmahal sa taong parang magaan kasama. yung ipapadama lang talaga sayo kung ano ang masaya. Pero I suggest, wag na muna. Find yourself. Find out what makes you happy, what makes your blood boil, what makes you take, climb mountains, conquer skies, learn a new skill that you can practice everyday, give to the less fortunate. Do a cause that is bigger than you.
19. When You're Gone - Avril Lavigne
Aminin natin na mas masarap ang buhay na may katuwang. May masasabihan ka sa mga comments mo tungkol sa mga bagay-bagay. Pwede din namang mag blog ka nalang para feel mo na may kausap ka. Sa song nato, you feel nostalgic about your moments together. You'll be reminded of everything you've been through. Pero wag masyadong magpakasenti. Eks mark kasi kaya alam mo na. Mabubura din lahat ng alaala soon.
20. When I Was Your Man_ Bruno Mars
Ito yun kasi. Fresh wound pa kaya pagnaririnig mo yung name, may kirot. Parang konting gasgas na nalagyan ng alcohol. Kasi di inalagaan nung nasa sayo pa. Di ka rin masisisi kasi bata ka pa nun. Hayaan mo na. Minsan kasi sa buhay natin, may selfish stage tayo kasi bata pa nga, filling your cup first kaya yung mga gusto ng gf mo, di mo naibigay at hindi mo ni-nurture. Mga simpleng bagay na makakapagpapasaya sa kanya. Huwag nang magsisi kasi tapos na yun. Make good na lang sa kung sinong hinanda ni Lord for you.
21. The Man Who Can't Be Moved -The Script
Ito yung mga taong hindi umalis sa pinagtatrabuhan, sa dating bahay, at nagli-leave ng trace kung saan sila makikita at present moment kasi gusto pa rin nilang mahanap sila ng mahal nilang nag got away. Parang IUD lang. Yong mga hoping na magkabalikan ulit. Naks. Give it time. Be happy with where you are and what you are doing. Darating yan even if di ka mag effort nang bongga kung para talaga sa 'yo. Baka you need time to grow apart. O baka naman, binigyan ng pagkakataon ng space sa tapat mo para magkaroon ng uupuan yung taong itinadhana para sa yo. Relax ka lang. Marami pa jan.
22.
23.
Attention - Charlie Puth
24.
Try- P!nk
25.
Stronger (What Doesn't Kill You)- Kelly Clarkson
26.
We Don't Talk Anymore- Charlie Puth
27.
Crying in the Club-Camila Cabello
28.
Gary Jules - Mad World
29.
R.E.M. - Everybody Hurts
30.
Sinead O'Connor - Nothing Compares 2 U
31.
Johnny Cash - Hurt
32.
Passenger - Let Her Go
33.
Say You Won't Let Go- James Arthur
34.
Try It on My Own
35.
Fastball - The Way
36. Say Something - A Great Big World feat. C. Aguilera
37.
Wake Me Up When September Ends
38.
Till My Heartaches End
39.
Ave Maria - Beyonce
40.
Chivalry is Dead - Trevor Wesley
41.
Like I'm Gonna Lose You- Meghan Trainor
42.
Take A Bow-Rihanna
43.
Wait for you- Elliott Yamin
44.
Sometimes Love Just Ain't Enough- Charice
45.
So Sick- Ne-Yo
46.
Let Me Be The One-Julie Anne San Jose
47.
Breakeven- The Script
48.
She Will Be Loved- Maroon 5
49.
I'm Not The Only One- Sam Smith
50.
No Air- Jordin Sparks, Chris Brown
51.
The One That Got Away- Katy Perry
52.
All I Need- Side A
53. Photograph- Ed Sheeran
54. IDGAF - Dua Lipa
55. Amnesia- 5 Seconds of Summer
56. Starting Over Again -Toni Gonzaga
57. Because Of You- Kelly Clarkson
58. Mahal Ko o Mahal Ako- KZ TANDINGAN
Para sa Mahaharot. The end. di loko lang.