Friday, February 26, 2016

EH, UMASA AKO NANG KONTI : Hugot Ng Mga Ayaw Magmove On

Kung nakikita mo na ang dahilan para sumuko, 
              alam mo na ang gagawin.


Dahil kung wala lang naman talaga sa iyo,
              bukas naman ang pinto para umalis ka pero hindi mo pa rin ginawa.

Dahil pwedeng-pwede mo namang bitawan
              ang lahat ng masasaya at lunurin ang sarili mo
               sa lahat ng sakit na idinulot niya sa 'yo,
               ngunit di mo pa rin ginawa.

Dahil pwede ka namang umuwi
at maging kontento nalang sa pagmamahal ng tatay, nanay at mga kapatid mo.


Dahil pwede mo naman siyang iwan 
              dahil pu****-i***g taong yan,
              di man lang niya binigyang -halaga ang kabaitan mo 
              at pag-iintindi sa mga kamaliang paulit-ulit niyang ginawa.


Dahil hindi niya kayang magsukli ng kahit konti

Dahil may 'itsura ka naman at bentang- benta pa yan
              para sa taong makikita ang kahalagahan mo.


Dahil kung mahal ka niya,
hindi niya kakayaning paulit-ulit kang saktan.


Mahal ka ba talaga niya , o obsesyon lang yan na baka naman,
              sana naman,
              huwag naman,
              pwede naman siguro,
              hayaan mo naman,
              hindi naman siguro.

Tanungin mo nga ang sarili mo

 kung tanga ka ba, 
adik ka lang?


Dahil pauuwiin mo na naman siya dahil hindi ka na galit.

Dahil tatanggapin mo na naman siya
               at paulit-ulit na naman ang tema ng mga di niyo pagkaka-unawaan.

At malilito ka na naman kung mananatili ka sa kanya
              o magsisimula ka ulit ng panibago.


Dahil hindi na yan 'wala lang'. 
Tanga ka lang eh, noh? 
Kaya lubos- lubusin mo na!


Sabi nga ni D.E.M., kung nakita mo na ang dahilan para sumuko, wag mo na lang tingnan.

Ipikit mo na lang yan. 😍💓😜🍪☕️

No comments:

Post a Comment

Do you have queries?

What To Pack in a Hospital Bag for Pregnant Women Who is about to Deliver

Are you spending hours deciding what to pack in your hospital bag for your upcoming delivery? Fret not. While we don’t want to leave out any...