Friday, February 26, 2016

NAGHIHINTAY : Hugot Para sa Mga Hindi Pa Maka Move On

                                                                   👯🌺NAGHIHINTAY  🌺👯

Araw-araw, pumapanhik siya dito habang hinihintay ang pagsikat ng buwan sa gawing kanluran.

Nag-aabang sa kung ano mang pangako na para namang hindi talaga niya makikitang mag iiwan ng mga bakas ng paa na naglalakad sa buhanging kanyang tinatanaw.

Pero naririnig niya mula sa bulong ng hangin ang musikang isinisigaw ng kanyang puso.

 ''Darating 'yon'' , isang umaga habang pinakikinggan niya ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan, "Darating 'yon".

Ngunit hanggang kailan kaya niya kayang hintayin ang isang bagay na walang kaakibat na kasiguraduhan.

 Hanggang kailan kaya niya mapatatahimik ang mga alinlangang unti - unti nang umuubos sa hibla ng pag asang matagal na niyang hinahawakan.

Sana'y dumating na 'yon, bukas, sa makalawa, o sa isa pang bukas, dahil nababatyag ko na datapwa't masaya siya habang naghihintay, tao rin siya , nababato, nayayamot, napapagod, at nangangailangan ng kahit konting kalinga at pagmamahal.

Baka sa malao't madali, matatagpuan siya ng isang taong kayang punan ang kanyang mga pangangailangang hindi kayang ibigay ng iba.

Tao rin siya.

Hindi niya kailangang maging mahalaga; ang gusto niya ay mahalin...

 #pilipinas #pinasmuna #bekipinas #bekiSaBatanes #phfirst

No comments:

Post a Comment

Do you have queries?

His Last Act of Love Was Making Sure She Could Live Without Him

They had been together long enough that he had stopped imagining a future that didn't include her. He wasn't rich. He didn't hav...