Huwag mo akong bigyan ng kalahati sa kayang mong ibigay.
Dahil hindi naman ako kalahating tao
na bibigyan mo ng kalahating pag ibig,
kalahating pagmamahal,
kalahating pagpapahalaga at
kalahating sandali.
Tao ako at hindi nararapat na makatanggap ng pekeng effort,
ng pekeng pangako,
ng pekeng kape sa umaga,
ng pekeng halik,
ng pekeng yakap,
ng pekeng pagkakataon,
ng pekeng emosyon.
Huwag mo akong bigyan ng kalahati dahil ang ibinigay ko naman ay buong buo at higit pa.
No comments:
Post a Comment
Do you have queries?