Maglalakbay ako.
Hanggang sumakit ang aking mga paa at makalimutan ko ang kirot sa aking dibdib.
Maglalakbay ako.
Hanggang makatulog ako sa pagod
at makaligtaan kung isipin ka buong magdamag.
Maglalakbay ako.
Hanggang sa mahanap ko ang sarili ko at nang matagpuan mo na ulit ako.
No comments:
Post a Comment
Do you have queries?