Binuhay ang gabi ng isang alaala sa Jacinto St.
Kung tatanungin ako
kung bakit di nalang yung kalye sa may amin
dahil kung may mang-aagrabyado sa akin
ay bubugbugin agad
ng mga siga at tambay
kina Aling Cora,
sasabihin ko pa ring iba doon sa Jacinto St.
May katahimikang nakakabingi
at tanging hininga mo lang ang iyong maririnig.
Hatid nito ay isang gunita na pupukaw sa isang pangyayari
na maipapaliwanag ng isang nakakalokong ngiti na nakapinta sa mga labi.
Napakahirap ipaintindi pero iyon pa rin ang pipiliin ko.
Dahil nabuhay ang gabi
ng isang alaala sa Jacinto St. 💃🏻☕️🍪🌃🚸
No comments:
Post a Comment
Do you have queries?