Monday, September 25, 2017

PAASA: Nilandi Ka Lang Pero Walang Balak Mahalin




Isang beses.

Dalawang beses.

Apat na beses. 

Ilang daang beses.

Isang libong beses na mga pagkakamali dahil laro lang ito sa kanya na makaulit na beses na niyang ginawa sa mga biktima niya.





ISANG BESES


Isang beses siyang nagkamali nang ganito ka tindi pero alam mong iba na ang ibig sabihin nito.



DALAWANG BESES


Dalawang beses niyang sinubukang maghintay para magkita at magkausap kayo.

Dalawang beses din siyang nabigo.



APAT NA BESES


Apat na beses lang siyang may abs.

Apat na beses lang niyang nasabi ang tungkol sa kasal.

Apat na beses mong nadama na parang may mali pero di mo binigyang pansin dahil baka mali ka. Mali ka nga.

Apat na beses ka ng na-budol-budol sa pag ibig.



ILANG DAANG BESES


Isang daang beses kayong kumain sa labas.

Isang daang beses ka niyang pinuntahan sa  hospital at dinalhan ng hapunan.

Ilang daang beses siyang nag-message sayo kahit isang libong text na ang na-send mo.




ISANG LIBONG BESES


Tinawagan ka lang.

Tinawagan ka lang nga ilang libong beses.

Ilang libong 'Aylabyu'  na ba ang nasabi niya?

Ilang libong beses din siyang nagkunwari. 

Ilang libong beses kang naging tanga.


ILANG DAANG BESES

Ilang beses siyang humingi ng patawad dahil sa nagawa niya dahil ikaw lang kasi ang nakita niya noon pero iba na ang sitwasyon ngayon.

Ilang daang beses kang ipinameet-and-greet sa pamilya niya dahil may kaarawan, may balikbayang umuwi (Eh, di wow!) pero ilang ulit na beses ka ring nakabalik sa di mo mawaring dahilan.

Ilang daang beses ka ng nakatikim ng ipinagluto niyang pagkain.



APAT NA BESES


Apat na beses pa rin siyang may abs. 

Apat na beses ka pa rin niyang hahanapin sa mga kakilala niya.

Apat na beses na naman siyang may gusto sa iyo. 

Apat na beses mo rin dapat tatanggihan ang kapalarang mabu-budol-budol ka na naman sa pag-ibig. 





DALAWANG BESES


Dalawang beses at ilang daang pagkakataon ka niyang na-ipagluto.

Dalawang beses mo siyang nakita na hindi talaga siya magiging magandang ehemplo sa magiging anak niyo kung sakali.




ISANG BESES


Isang beses siyang nag-message para ipaalam sa iyo na mayroon na siyang iba.

Isang beses mo lang naman kailangang tanungin sa sarili mo kung para ano pa ýan eh dapat wala ka ng pakialam.

Isang beses ka ba nilang gagawin ka ba nilang flower girl sa kasal nila?

Isang beses siyang nagkunwaring may hinihintay sa tapat mo nang aksidenteng makita ka niya  sa Jollibee.

Isang beses ka niyang inabangan mula sa powder room para pansinin mong andiyan din pala siya. 

Isang beses niya kayong tiningnan  ng mga kasama mo sa bar sa loob ng apat na oras na pamamalagi niyo doon.

Isang beses mong nakita na ayaw mong maging katulad niya ang mga magiging anak mo.

Isang beses niyang ipinadama na para siyang walang pakialam kung ano man ang patutunguhan ng lahat.

Isang beses lang ang kaylangan.

Isang beses lang pwedeng itama ang lahat.

Isang beses mong pagdedesisyunan n tumigil, gumising at ayawn ng mga walang kabuluhang relasyong pinasukan mo.




Sa panahon ngayon kasi, iba na ang mga manloloko. Kung umasta sila'y parang totoong mahal na mahal ka. 

Ang mga taong ganon, iyon ay halimbawa ng isang PAASA.

Nilandi ka lang pero walang balak mahalin...






A wise man once said, 'Guard your heart; for everything you do flows from it'













No comments:

Post a Comment

Do you have queries?

What To Pack in a Hospital Bag for Pregnant Women Who is about to Deliver

Are you spending hours deciding what to pack in your hospital bag for your upcoming delivery? Fret not. While we don’t want to leave out any...